Amit sasargo sa 9-Ball China Open

MANILA, Philippines — Walang pagod si Rubi­len Amit na sariwa pa sa ma­tamis na pagkopo ng korona ng 2024 WPA Wo­men World 9-Ball Chamionship sa New Zealand.

Ilang malalaking torneo pa ang lalahukan ni Amit upang masundan ang kanyang panalo sa World 9-Ball Championship.

Mula sa New Zealand ay agad itong tutulak sa Shanghai, China para sa 2024 WPA 9-Ball China Open na gaganapin sa Setyembre 14 hanggang 22 sa Pudong Tangzhen Culture and Sports Center.

Nakakataya ang tuma­taginting na $165,600 ka­­buuang papremyo sa na­turang torneo.

Matapos ang China Open, saka lamang babalik si Amit sa Maynila para i-celebrate ang kaniyang tagumpay sa World 9-Ball Championship kasama ang mga kababayan nito.

“From here, there’s a Chi­na Open in Shanghai, China and then I go back home,” pahayag kahapon ni Amit.

Maliban sa China Open ay nakatakda ring tumu­lak si Amit sa Taiwan para makapagsanay doon.

“I might go to Taiwan to maybe play a bit and train with them,” ani Amit.

Ilang events din ang dadaluhan nito sa mga probinsya sa Pilipinas kung saan makakalaban nito ang ilang matitikas na male cue masters sa bansa.

“There’s another tournament in the province in the Philippines but that’s against men players that’s for experience to learn from them,” dagdag pa ni Amit.

 

Show comments