INDIANAPOLIS — Pinapirma ng Indiana Pacers si point guard T.J. McConnell sa isang four-year extension na nagkakahalaga ng $45 milyon.
Dahil dito ay patuloy na maglalaro si McConnell, nauna nang lumagda sa Pacers sa isang $9.3 million deal para sa darating na NBA season, hanggang sa 2028-29 season.
Sa nakaraang season ay nagtala ang 32-anyos na si McConnell ng mga career highs na 10.2 points a game sa regular season at 11.8 points average sa playoffs kung saan umabante ang Indiana sa Eastern Conference final.
Noong 2015 ay kinuha siya ng Philadelphia 76ers bilang isang undrafted player bago lumipat sa Pacers bilang free agent noong 2019.
Sa Los Angeles, pumayag si center Ivica Zubac na pirmahan ang isang three-year, $58.6 million contract extension.2027-2028 season.