^

PM Sports

Converge giba sa 51 pts ni Tolentino

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Converge giba sa 51 pts ni Tolentino
Natakasan ni Joshua Munzon ng NorthPort si JL Delos Santos ng Converge.
PBA Image

MANILA, Philippines — Binalagbag ng Northport ang Converge, 135-109, para makasosyo ng liderato sa Group A ng 2024 PBA Governors’ Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.

Tumabo si Arvin Tolentino ng career-high na 51 puntos upang buhatin ang Batang Pier sa 2-1 kartada katabla ang reigning champion na Talk ‘N Text at Meralco sa tuktok ng Group A.

Ito ang unang 50-point game sa kahit sinong local PBA player simula ng umiskor ng 50 puntos si Stanley Pringle para sa Batang Pier din noong 2018 Commissioner’s Cup.

Limang tres din ang pinakawalan ni Tolentino sahog pa ang 7 rebounds at 3 assists para sa pinakamataas na iskor ng homegrown player simula nang maka-51 puntos din si Asi Taulava noong 1991.

Subalit hindi sinolo ni Tolentino ang kargado para sa Northport nang magdagdag din ng 19, 13, 11 at 10 puntos sina Joshua Munzon, Jio Jalalon, Damie Cuntapay at Will Navarro, ayon sa pagkakasunod.

Dahil sa balanseng atake ng locals, Halos hindi na kinailangan ng Batang Pier ang malaking ambag ng import na si Venky Jois na may 6 puntos lang sahog ang 10 rebounds, 3 assists at 2 steals.

Maagang rumatsada ang Northport sa 38-24 at hindi na nag-preno pa tungo sa 26-puntos na panalo para sa matinding follow-up win matapos ang 112-93 panalo kontra sa Terrafirma.

Taob ang Batang Pier sa debut nito, 101-95, kontra sa Tropang Giga subalit unti-unti nang nag-iinit ang mga bataan ni coach Bonnie Tan.

Limang players ang umiskor ng double digits para sa Converge sa pangunguna ng halos triple na 24 puntos, 10 rebounds at 7 assists ni import Scotty Hopson.

Nasayang din ang 19 puntos ni Alec Stockton para sa FiberXers na laglag sa 2-2 kartada.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with