^

PM Sports

Amazing rarampa sa Lakambini Stakes Race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kabilang sa nagsaad ng paglahok ang Amazing sa magaganap na 2024 PHILRACOM “Lakambini Stakes Race” na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas sa Setyembre 8.

Makakasamang rarampa sa pista ng Amazing ang 11 kabayong nagdeklara ng pagsali sa event na nakalaan ang P500,000 gua­ranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta.

Ang ibang nominado sa distansyang 1,600 meter race, ay ang Amor My Love, Beltuna, Boss Lady, Caring Melody, Every Sweat Counts, Hearte­ning To See, High Dollar, Malibu Princess, Over Azooming, Primavera at The Kiss.

Gagabayan ni reig­ning Philippine Sportswri­ters Association, (PSA) - J­ockey of the Year awardee, John Alvin Guce, posibleng magbigay ng magandang laban sa Amazing ay ang Amor My Love, Beltuna at Every sweat Counts.

Komento ng ibang karerista sa social media, inaasahan din na magpapakitang gilas ang magka-kuwadrang Primavera na sasakyan ni Andreu Villegas at The Kiss na re­rendahan naman ni former PSA-JoY awardee Patty Ramos Dilema.

Kukubrahin ng mananalong kabayo ang P300,000, mapupunta sa pangalawa ang P100,000, kukubrahin ng tersero ang P50,000 habang P25,000, P15,000 at P10,000 ang fourth hanggang sixth placers ayon sa pagkakasunod.

Magbubulsa rin ang breeder ng mananalong kabayo ng P25,000 habang P15,000 at P10,000 ang second at third sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

vuukle comment

PHILRACOM COMMISSIONER’S CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with