SBA sasargo na

Sa biglaang paglisan ni Chino Trinidad, hindi na niya nasilayan ang pagkabuo ng mga koponan na mag­babakbakan sa inaugural season ng Sharks Billiards Association (SBA).

Pumanaw si Trinidad bilang SBA commissioner, kasama ni SBA chief executive officer and founder Hadley Mariano sa pagbalangkas ng tinatayo nilang billiards pro league.

In fact, usaping bilyar, kasama sa meeting si billiards legend Efren “Bata” Reyes nang naramdaman ni Chino ang unang bugso ng atake sa puso.

Sa kanyang himlayan, walang dudang masaya si Chino na natuloy na nabuo ang SBA at ready nang sumargo.

Nitong nakaraang araw naganap ang inaugural SBA players’ draft sa Quantum Skyview ng Gateway Mall 2 sa Cubao, Quezon City.

Top overall pick si Jericho Banares (2008 World Junior Pool Championship runner-up) na kinuha ng Quezon City Dragons.

Kasunod na na-draft sa first round sina Rodrigo Geronimo (Taguig Stallions), Oliver Villafuerte (Negros Pillar) and Baseth Mapandi (Manila MSW Mavericks).

Next month, simula na ng bakbakan sa Sharks Billiard Hall sa Tomas Morato, Quezon City.

“The SBA aims to give millions of Filipino billiards enthusiasts the opportunity to hone and showcase their skills, and promote the love of the game,” ani Mariano.

“Sa wakas, nandito na tayo. Salamat sa players sa patience. Salamat sa GAB (Games and Amusements Board), dahil sa inyo, meron na tayong unang professional billiards league sa bansa,” dagdag ni Mariano.

Show comments