MANILA, Philippines — Minalas si Filipina tennis sensation Alex Eala na makapaglaro sa main draw ng 2024 US Open.
Ito ay matapos siyang matalo kay Elena Gabriela Ruse ng Romania, 6-3, 1-6, 43-6, sa final round ng qualifying tournament para sa main draw ng US Open.
“I was so close to achieving a big goal of mine, but today it was not meant to be,“ wika ng World No. 144 na si Eala sa kanyang social media post matapos ang kabiguan sa World No. 126 na si Ruse.
Sa kabila nito ay kumpiyansa pa rin si Eala na magiging kauna-unahang Pinay na makakalaro sa main draw ng isang Grand Slam event.
“May tiwala ako na kahit masakit ang talo ngayon, may plano sa akin si Lord, kaya sigurado ako na makukuha ko din ‘to balang araw. Hindi pa tapos ang Laban!,” wika ng 2022 US Open junior’s champion.