3rd straight win hinataw ng Cignal

Pinaluan ni Venezuelan import MJ Perez ng Cignal HD si May Luna ng Nxled.
PVL photo

MANILA, Philippines — Hinataw ng Cignal HD ang ikatlong dikit na panalo matapos gibain ang sibak nang Nxled, 27-25, 25-20, 25-20, sa second round ng 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Humampas si Vene­zuelan Import MJ Perez ng 17 points habang may 11 markers si Ces Molina para sa 7-1 record ng HD Spikers papasok sa knockout quarterfinals.

Nagdagdag sina Jacqueline Acuña at Chin Basas ng pinagsamang 16 points.

“Siyempre, sobrang happy at proud sa team kasi nakuha namin itong last game namin going into the quarterfinals,” ani coach Shaq Delos Santos. “Ready naman iyong team, kailangan lang talaga din naming mag-ingat, magpakondisyon at mag-focus pa.”

Laglag ang Chameleons sa 1-7 na nakahugot kay American import Meegan Hart ng 16 points at may 15 markers at 10 excellent receptions si Jho Maraguinot.

Sa unang laro, pinabag­sak ng Capital1 Solar E­nergy ang talsik nang Galeries Tower, 25-13, 26-28, 25-22, 25-21.

Bumanat si Russian import Marina Tushova ng game-high 35 points mula sa 31 attacks, tatlong service aces at isang block para sa 5-3 baraha ng Solar Spikers.

Hulog ang Highrisers sa 0-8 marka.

Show comments