^

PM Sports

Perfect Shot sapul ang 3YO Maiden race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napalaban ng todo sa unahan ang Perfect Shot pero nanatili pa rin ang tikas nito kaya naman nasungkit nito ang panalo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.

Kumaripas agad sa unahan ang Perfect Shot paglabas ng aparato pero agad siyang binuliglig ng Bagsikatdin hanggang sa kalagitnaan ng karera.

Pero papalapit ng far turn ay unti unting lumalayo na ang Perfect Shot kaya naman pagsapit ng huling kurbada ay nasa anim na kabayo na ang kanyang lamang sa sumesegundong Bagsikatdin.

Sa rektahan ay tuluyan ng umungos ang Perfect Shot at nanalo ito ng may walong kabayo ang lamang sa pumangalawang Cowboy Silver habang tersero ang Bagsikatdin.

Ginabayan ni jockey John Allyson Pabilic, nilista ng Perfect Shot ang tiyempong 1:27 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Luis Angelo Sevilla ang P22,000 added prize.

Kumubra rin ang breeder ng nanalong kabayo ng P4,500 habang P1,000 at P500.00 ang se­cond at third placers, ayon sa pagkakasunod.

Pang-apat na tumawid sa meta ang Viva D’ Oro.

vuukle comment

KARERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with