^

PM Sports

Don Julio bida sa A.P. Reyes Memorial race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinasaya muli ng Don Julio ang kanyang mga taga­hanga matapos sikwatin ang korona sa 2024 PHILRA­COM “A.P. Reyes Memorial Race” na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo.

Sa segundo ipinuwesto ni jockey John Allyson Pabilic ang Don Julio paglabas ng aparato upang sundan lang ang matulin sa largahan na Diversity na sinakyan naman ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate.

Lamang ang Diversity ng dalawang kabayo sa kaagahan ng karera pero pagsapit sa kalagitnaan ng bakbakan ay kumapit na si crowd favorite Don Julio sa unahan.

Pagdating ng far turn ay naagaw na ng Don Julio ang bandera sa Diversity at nakalamang na ito ng isang kabayo pero papalapit sa huling kurbada ay dinikitan ulit ito ng Diversity at nagkayugan na ang kanilang mga hinete sa rektahan.

Yumayanig ang karerahan sa sigawan ng mga kareristang sumaksi ng magandang bakbakan at sa huling 100 metro ng karera ay tuluyan ng umungos ang winning horse.

Tinawid ng Don Julio ang meta ng may dalawang kabayo ang agwat sa pumangalawang Diversity.

 

vuukle comment

PHILRA­COM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with