^

PM Sports

Gilas Pilipinas Women mapapalaban sa FIBA World Cup pre-qualifiers

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Susubukan ng Gilas Pilipinas women na makaukit ng kasaysayan sa paglahok nito sa FIBA Women’s World Cup pre-qualifiers simula ngayon sa Kigali Arena sa Rwanda.

Unang hahamunin ng Gilas ang world No. 8 na Brazil sa alas-8 ng gabi para buksan ang kampanya sa Group C ng torneong magiging unang hakbang nila sa misyong makapasok sa 2026 FIBA Women’s World Cup sa Germany.

Sunod na kikilatis sa Filipina ballers, ranggong ika-40 sa mundo, ang No. 16 na Hungary at No. 25 na Senegal habang nasa Group D naman ang host na Rwanda, Great Britain, Argentina at Lebanon.

Sa walong koponan, isa lang ang makakakuha ng tiket para sa mismong Qualifying Tournament kasama ang Top 6 teams mula sa Americas, Europe at Asia pati na ang Top 4 mula sa Africa.

Kasabay ng pre-qualifiers sa Rwanda ang torneo sa Mexico para sa isa pang wildcard ticket tampok ang host na Mexico, Korea, Mali, Czechia at Venezuela sa Group A pati na ang Montenegro, New Zealand at Mozambique sa Group B.

Babandera sa Gilas na mamanduhan ni head coach at program director Pat Aquino ang mga beteranong sina Jack Animam, Afril Bernardino, Janine Pontejos, Khate Castillo, Camille Nolasco at Stephanie Berberabe.

Swak din sa koponan ang mga bagitong sina UAAP MVP Kacey dela Rosa at Ella Fajardo pati ang Gilas youth standouts na sina Naomi Panganiban, Louna Ozar at Kristan Yumul.

Kagagaling lang ng Gilas sa fourth-place finish sa Women’s Jones Cup at sa kauna-unahang women’s tournament ng Pinoyliga.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with