^

PM Sports

Prime Biling bumida sa pista

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpa-impres ang isa sa magagaling na kabayo sa bansa nang manalo ang Prime Billing sa naganap na PHILRACOM Rating Based Handicapping System na nilarga noong Sabado sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.

Ginabayan ni jockey EA Abrea, nirehistro ng Prime Billing ang tiyempong 1:25 minuto sa 1,400 meter race at sikwatin ng horse owner na si Benjamin Abalos ang P10,000 karagdagang premyo.

Hindi binigo ng Prime Billing ang kanyang mga taga­ha­nga kaya naman bahagyang sumaya ang mga liya­madista.

Pumangalawang dumating sa finish line ang Savawani, tersero ang Sonic Clay at pang-apat ang Batang Cabrera.

Kahit liyamado ay maganda ang ibinigay sa forecast odds dahil dehado ang sumegundo, nagbigay ito ng dibidendong P190.50 kada limang pisong taya sa kombinasyon na 1/3.

At dahil balanse ang naging lineup ng karera ay nahirapan ang mga karerista na mamili ng kanilang tatayaan pero ang sigurado ay nagsaya ang mga ito sa kanilang paglilibang.

May pitong races ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) at nagpatuloy ang karera kahapon araw ng Linggo.

Samantala, inaasahang hinahanda ang Prime Billing ng kanyang connections para sa susunod nitong lalabanang karera.

vuukle comment

PHILRACOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with