^

PM Sports

Pagkakaroon ng sariling POC office hiling ni Tolentino

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sariling tahanan para sa pamana at pagkilala sa mga Filipino Olympians.

Iyan ang hiling na magkaroon ang Philippine Olympic Committee (POC) balang araw upang mabigyan ng karampatang parangal ang mga ma-alamat na Pilipinong atleta sa 100 taong pakikilahok ng bansa sa Olympics.

Muling pinanagawan ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino ang nauna niyang panga­rap na magkaroon ng sari­ling opisina o gusali ang POC katulad ng mga sports gover­ning body sa buong mundo.

Ayon kay Tolentino, sa ngayon kasi ay nakikituloy lamang ang POC sa Department of Education katabi ng PhilSports Complex sa Pasig City mula sa dati rin nilang maliit na opisina sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila.

“We’ve participated in the Olympics for a centu­ry, but up to now, the POC still needs to have its own home,” ani Tolentino sa The Agenda media forum ni Siegfred Mison kahapon sa Club Filipino sa San Juan.

Personal na itong idinulog ni Tolentino kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanilang pagpupulong sa Hero’s Welcome para sa 22-strong Team Philippines delegation sa nagdaang Paris Olympics.

Nauna na niya itong ipinanawagan noong Tok­yo Olympics at ang unang plano na maari ring magsilbing tourism site para sa kabataan ay sa Cultural Center of the Philippines (CCP) Complex sa Pasay subalit hindi pa natutuloy.

Kung mabibigyan na ng pagkakataon ngayon, kabilang sa House of POC ang planong museum para itampok ang mga memorabilia ng mga Pilipinong atlete, sa pangunguna nina gold medalists Hidilyn Diaz (weightlifting) at Carlos Yulo (gymnastics).

Si Diaz ang unang gold medalist ng bansa sa kasaysayan.

vuukle comment

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with