^

PM Sports

Ginebra, RoS magsasalpukan sa Ilocos Sur

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Byahe agad pa-Norte ang PBA para sa ope­ning week ng inaabangang 2024 PBA Governors’ Cup sa Candon City Arena sa Ilocos Sur sa Agosto 24.

Bibida sa unang out-of-town game ng PBA ngayong Season 49 ang crowd darling na Barangay Ginebra kontra sa palabang Rain or Shine, ayon sa anunsyo ng Candon City.

Sa Agosto 18 ang ope­ning ng Governors’ Cup sa Smart-Araneta Coliseum pero wala pang inilalabas ang PBA na full schedule maliban sa out-of-town sa Ilocos.

Bagong tayo lang ang Candon City Arena na una nang tinampok ang Talk ‘N Text at NLEX noong Abril para sa 2023-2024 PBA Philippine Cup.

Wagi ang TNT, 104-101, sa likod ng 37 puntos ni Calvin Oftana.

Umapaw ang arena sa naturang laban at inaasahang mas marami pa ang manonood ngayon dahil ipaparada ng Ginebra at Rain or Shine ang kanilang mga bagong alas sa pangunguna ng mga pambatong rookies.

Ipapakilala ng Gin Kings ni coach Tim Cone ang No.3 rookie pick nitong si RJ Abarrientos bukod pa ang mga bagong players na sina Stephen Holt, Isaac Go at Ben Adamos.

Bibida naman  ang No. 7 pick na si Caelan Tiongson para sa Elasto Painters ni mentor Yeng Guiao na kagagaling lang sa kampeo­nato sa 39th Kadayawan Invitational Basketball Tournament sa Davao. 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with