MANILA, Philippines — Wagi ang Zamboanga Valientes kontra sa bisitang Macau Black Bears, 81-65, upang pagharian ang grand finals ng kauna-unahang The Asian Tournament nitong weekend sa Zamboanga City Coliseum.
Hindi nanalo ng titulo sa unang apat na legs ang Valientes bago sa wakas makaisa sa pinamakalaking tour ng Asian Tournament na winalis nila sa harap ng 15,000 na Zamboangeños.
Unang tinalo ng Valientes ang Black Bears din, 93-81, Naic Aces, 79-78, Vanta Black Dragons, 97-90, at Aces uli sa semifinals, 122-79, para sa matamis na bawi.
Nagawa nila ito matapos bumalikwas mula sa maagang 28-39 deficit hanggang sa makadikit sa 39-41 sa halftime. Hindi na nagpaawat pa ang Valientes nang magpakawala ng 32-14 birada para makapagtayo ng 71-55 abante sa kalagitnaan ng fourth quarter tungo sa tagumpay.
Kumamada ng halos triple-double na 21 puntos, 13 rebounds at 8 assists ang dating NBA star na si Demarcus Cousins upang trangkuhan ang Zamboanga sa kanyang pagbabalik matapos ang limitadong aksyon sa elimination round.
Umariba naman sa doube-double na 25 puntos at 10 rebounds si Rickey Brice na siyang bumandera sa Valientes buhat sa simula tungo sa Finals MVP award.