^

PM Sports

Diversity, Don Julio magbabanatan sa A.P. Reyes Memorial Race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magkikilatisan ang Diversity at Don Julio sa magaganap na 2024 PHILRACOM “A.P. Reyes Memorial Race” na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas sa Agosto 18.

Subalit tiyak na hindi lang ang Diversity at Don Julio tututok ang mga karerista dahil matitigas din ang ibang kalahok na nagdeklara ng pagsali sa distansyang 1,600 meter race.

Gagabayan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate ang Diversity habang nakatoka sa Don Julio si John Allyson Pabilic, makakalaban nila ang Easy Does It, Eutychus at Miss Hibiki.

May nakalaan na P500,000 guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Target ng mga kalahok ang P300k na premyo, hahamigin ng second placer ang P112,500 at tig P62,500 at P25,000 ang third at fourth ayon sa pagkakasunod.

Mag-uuwi naman ng P25,000 ang breeder ng mananalong kabayo habang tig P15,000 at P10,000 ang second at third sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, PHILRACOM).

Inaasahan na magandang laban ang masisilayan ng mga karerista kaya magiging masaya ang kanilang paglilibang.

vuukle comment

PHILRACOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with