^

PM Sports

Petecio nagdagdag ng bronze sa Team Philippines

Nelson Beltran - Pang-masa
Petecio nagdagdag ng bronze sa Team Philippines

PARIS — Nakuntento si lady boxer Nesthy Petecio sa bronze medal matapos matalo kay Julia Szeremeta ng Poland sa semifinal round ng wo­men’s 57-kilogram division dito sa Stade Roland Garros.

Bigo si Petecio na ma­kuha ang ginto sa kanyang ikalawang sunod na Olympic finals matapos ang pilak na medalya sa Tokyo Games noong 2021.

“Sobrang labo, s­obrang labo talaga,” ani Petecio sa pagkatalo niya kay Szeremeta. “Wala siyang clear punch sa third round, iyong body shots ko, hook ko pumapasok, hindi ko alam kung ano ang nangyari.”

Ibinigay ng mga judges sa Polish boxer ang 4-1 iskor sa kanilang semis bout.

Kaagad kinuha ni Petecio ang 5-0 bentahe sa first round bago rumesbak si Szeremeta sa second round mula sa 4-1 kalamangan.

Sa third round ay kumonekta ng mga suntok si Petecio, habang agresibo si Szeremeta sa kabuuan ng nasabing laban.

Ngunit sa pagtatapos ng upakan ay ibinigay ng mga judges ang panalo kay Szeremeta.

Sa kanyang semis fi­nish ay gumawa ng kasay­sayan si Petecio bilang unang Philippine boxer na sumuntok ng dalawang medalya sa magkasunod na Olympics.

Siya ang ikaapat na Filipino Olympian na nanalo ng multiple me­dals bukod kina gymnast Carlos Yulo, weightlifter Hidilyn Diaz at swimmer Teófilo Yldefonso.

“We came with five boxers and going home with two Olympic bronze medals,” ani Association of Boxing Alliances in the Philippines president Ricky Vargas.

Isinara ng Team ABAP ang 2024 Paris Olympics sa nahakot na dalawang bronzes na mas mababa sa nakolektang dalawang silver at isang bronze sa 2021 Tokyo Games.

vuukle comment

NESTHY PETECIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with