PARIS — Sisimulan ngayon ni 61kg bet John Febuar Ceniza ang kampanya ng three-strong Philippine team sa weightlifting competition ng 2024 Olympic Games dito sa South Paris Arena.
Sunod na aakyat sa entablado si Elreen Ando para sa women’s 59kg division bukas at si Vanessa Sarno sa women’s 71kg sa Biyernes.
Inspirado ang tatlong weightlifters sa makasaysayang performance ni gymnast Carlos Yulo na kumuha ng dalawang gold medals.
Inaasahang magiging inspirasyon din nila si Tokyo Games gold winner Hidilyn Diaz.
Walang pangakong medalya sina Ceniza, Ando at Sarno, ngunit ibibigay
nila ang lahat para manalo.
“Mahirap ang laban, at lalaban lang ng todo ang mga bata,” sabi ni
Samahang Weightlifting ng Pilipinas president Monico Puentevella.
“We’ll never predict, we’ll just give it to the Lord, and the Lord
will do the rest,” dagdag nito.
Mabigat na kompetisyon ang susuungin ng tatlong national
weightlifters, lalo na si Ceniza
Si Ceniza ay No. 4 katabla si Indonesian Eko Irawan at makakasukatan
nila sina top seed Li Fabin ng China, No. 2 Morris Hampton Miller ng
United States at No. 3 Sergio Massidda ng Italy.
Maghahangad din ng ginto sina Kaimauri Erati ng Kirabati, Ivan Petkov
Dimov ng Bulgaria, Theerapong Silachai ng Thailand, Mohamad Aniq Bin
Kasdan ng Malaysia, Van Vinh Trinh ng Vietnam at Morea Baru ng Papua
New Guinea.