^

PM Sports

Border Force pasikat sa 3-YO Maiden race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinabilib ng Border Force ang mga karerista matapos manalo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.

Mabalasik na lumabas ng aparato ang Border Force upang makipagtagisan ng bilis sa Bagsikatdin at B Fit And Fabulous sa largahan kaya nagkapanabayan sila sa unahan sa unang dalawang daan metro ng karera.

Pagdating ng kalagitnaan ng karera ay unti-unting umaalagwa ang B Fit And Fabulous at papalapit ng far turn ay naka-ungos na ito ng dalawang kabayo sa Bagsikatdin at Border Force.

Pero hindi bumigay ang Bagsikatdin at Border Force, nakapitan ulit nila ang B Fit And Fabulous sa huling kurbada kaya bakbakan ang nasilayan ng mga karerista sa rektahan.

Sa huling 100 metro ng laban ay umusad na sa unahan ang Border Force at nanalo ito ng may limang kabayong agwat sa pumangalawang Bagsikatdin, tersero ang B Fit And Fabulous at pumang-apat ang Raining In Manila.

Ginabayan ni jockey JR De Ocampo, nirehistro ng Border Force ang tiyempong 1:27.2 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Peter Allan Limjoco ang P22,000 added prize.

vuukle comment

MAIDEN RACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with