^

PM Sports

Yulo maraming natutunan sa all-around

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bigo man si two-time world champion Carlos Yulo na makasikwat ng medalya sa men’s all-around finals, marami itong natutunan na magagamit nito sa kanyang susunod na laban sa 2024 Paris Olympics.

Nagkasya lamang sa ika-12 puwesto si Yulo sa all-around matapos ang masaklap na simula nito sa pommel horse kung saan bumagsak ito sa kalagitnaan ng kanyang routine.

Nakabawi si Yulo sa iba pang apparatus subalit hindi ito sapat para makapasok sa Top 3.

Nakalikom si Yulo ng kabuuang 83.032 puntos.

Sa kabila nito, masaya si Yulo sa mga natutunan nito sa all-around.

“Marami akong natutunan. Wala akong regrets dahil masaya ako sa performance ko,” ani Yulo.

Sunod na sasalang si Yulo sa finals ng men’s floor exercise at men’s vault.

“Magandang chance yung all-around kasi nagawa ko ang gusto ko sa floor at sa vault. May mga adjustments na kailangang gawin sa finals ng floor at vault,” wika pa ni Yulo.

Solido ang performance ni Yulo sa floor exercise ngunit sinabi nito na kailangan pa nito ng mas magandang landings upang makakuha ng mataas na puntos sa finals.

Mataas ang degree of difficulty ng performance ni Yulo at mas lalong lalakas ang tsansa nito sa gold medal kung maisasakatuparan nito ng swabe ang kanyang performance.

“Sa floor kailangan kong mag-adjust pa ng konti para mas maging maganda ang performance ko ganun din sa vault,” ani Yulo.

Nagpasalamat din si Yulo sa lahat ng sumusuporta sa kanyang laban.

vuukle comment

CARLOS YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with