^

PM Sports

Dehadista pinasaya ni Vitreus

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagsaya ang mga dehadista nang manalo ang Vitreus sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.

Sinakyan ni jockey GL Siego Jr., ipinuwesto nito ang Vitreus sa segundo sa largahan upang panoorin ang mag-isa sa unahan na Aly Yanna.

Pagdating sa kalagitnaan ng karera ay lamang ang Aly Yanna ng anim na kabayo, nasa pangalawang puwesto pa rin ang Vitreus habang kumukuha ng tersero ang Janni Banni.

Papalapit ng home turn ay kumakapit na ng bahag­ya sa unahan ang Vitreus, Janni Banni, Maki Boi, Chef Kat at Coldplay.

Kaya naman pagsu­ngaw ng rektahan ay magkapanabayan na ang limang kabayo na Aly Yanna, Vi­treus, Janni Banni, Maki Boi, Chef Kat at Coldplay at mas lalong naging mainit ang bakbakan.

Nakaungos ang Vitreus sa huling 75 metro ng laban kaya naman tinawid nito ang meta ng may dalawang kabayong agwat sa puma­ngalawang Aly Yanna na nakitaan din ng tikas sa labanan.

Nilista ng Vitreus ang tiyempong 1:30 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng horse owner na si Alejandro Manalang ang P10,000 added prize.

vuukle comment

PHILRACOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with