^

PM Sports

PLDT, Chery Tiggo magsosolo sa Pool A

Russell Cadayona - Pang-masa
PLDT, Chery Tiggo magsosolo sa Pool A
Muling aasahan ng PLDT si Russian import Lena Samoilenko kontra sa Nxled.
PVL photo

MANILA, Philippines — Ang pagsolo sa lide­rato ang kapwa hangad ng PLDT at Chery Tiggo sa pagsagupa sa magkahiwalay na karibal sa Pool A ng 2024 PVL Reinforced Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.

Haharapin ng High Speed Hitters ang Nxled Chameleons ngayong alas-5 ng hapon matapos sagupain ng Crossovers ang Creamline Cool Smashers sa alas-3 ng hapon.

Sa unang laro sa ala-1 ng hapon ay magkikita ang Farm Fresh Foxies at Galeries Tower Highrisers.

Magkasosyo sa unahan ang PLDT at Chery Tiggo sa magkatulad nilang 2-0 record kasunod ang Creamline (1-1), Nxled (1-1), Farm Fresh (0-2) at Galeries Tower (0-2).

Unang tinalo ng High Speed Hitters ang Cool Smashers, 16-25, 25-22, 24-26, 25-19, 15-12, at isinunod ang Highrisers, 25-19, 25-16, 25-17, habang galing ang Chameleons sa 16-25, 20-25, 23-25 kabiguan sa Crossovers sa huli nilang laban.

“Dagdag kumpiyansa talaga siya sa team, lalo na sa akin as a team captain,” sabi ni Kath Arado na nagsumite ng 16 excellent digs at siyam na excellent receptions sa pagwalis ng PLDT sa Galeries Tower. “Iyong negativity kasi talaga ang isa sa mga hindrance para mag-improve iyong team.”

Hangad din ng Chery Tiggo na maiposte ang ikatlong sunod na panalo sa pagsagupa sa Creamline na umiskor ng 24-26, 25-23, 25-21, 25-16 panalo sa Farm Fresh.

vuukle comment

CHERY TIGGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with