Pacman may pro fight sa huling bahagi ng taon

MANILA, Philippines — Muling masisilayan si People’s Champion Manny Pacquiao sa totoong professional fight na posibleng maganap sa huling bahagi ng taon.

Kinumpirma mismo ni Pacquiao na magbabalik ito sa pro boxing matapos ang exhibition match nito kay Japanese mixed martial artist Rukiya Anpo na nauwi sa draw sa Saitama Super Arena sa Japan.

“(I would) fight in a real fight this year,” ani Pacquiao.

Bigo ang Pinoy champion na mapatumba ang Japanese pug nang magdesisyon ang mga hurado na ipataw ang draw matapos ang tatlong rounds ng bakbakan.

Matinding bakbakan ang agad na bumungad sa pagsisimula pa lamang ng laban.

Ngunit hindi napatumba ni Pacquiao si Anpo.

Aminado si Pacquiao na wala ito sa kanyang 100 porsiyento.

“I’m okay. I am about 60 percent,” aniya.

Disyamado ang mga nanood sa punung-punong Saitama Arena.

Para kay Anpo, hindi nito naramdaman ang bagsik ng kamao ni Pacquiao.

“I didn’t really feel like Pacquiao’s punches were too heavy. They were all within my expectations,” ani Anpo.

Posibleng ito ang warmup ni Pacquiao sa posibleng pagbabalik nito sa professional boxing.

Nauna nang napaulat na pakay ni Pacquiao na maging challenger ni reig­ning World Boxing Council (WBC) welterweight champion Mario Barrios.  

Show comments