Pacquiao itotodo ang lakas kontra Anpo sa exhibition

Manny Pacquiao.
STAR / File

MANILA, Philippines — Inaasahang ilalabs ni Manny Pacquiao ang bagsik ng kamao nito sa pagharap kay Japanese kickboxer Rukiya Anpo sa exhibition match na gaganapin sa Saitama Super Arena sa Japan.

Sa official weigh in kahapon, tumimbang si Pacquiao ng 68.05 kilos habang may 68.7 kilos naman si Anpo.

Ito ang magsisilbing warmup ni Pacquiao sa posibleng pagbabalik nito sa professional boxing.

Nauna nang napaulat na pakay ni Pacquiao na maging challenger ni reigning World Boxing Council (WBC) welterweight champion Mario Barrios.

huling sumabak si Pacquiao sa pro boxing noong Agosto ng taong 2021 kung saan natalo ito kay Cuban pug  Yordenis Ugas via unanimous decision.

Matapos nito, nagpasya si Pacquiao na magretiro sa pro boxing para pagtuunan ang kaniyang noon ay presidential bid.

Subalit natalo si Pacquiao nsa National Elections ngunit nanatili itong retirado sa pro boxing.

Huling lumaban si Pacquiao noong Disyembre ng 2022 sa isang exhibition match laban kay South Korean YouTuber DK Yoo.

Sa kaniyang ikalawang exhibition match, haharapin sana ni Pacquiao si Japanese mixed martial artist Chihiro Suzuki subalit hindi ito natuloy.

Show comments