^

PM Sports

Paris Olympics hahataw na!

Chris Co - Pang-masa
Paris Olympics hahataw na!
Nesty

MANILA, Philippines — Asahan ang magarbong palabas sa opisyal na pagbubukas ng 2024 Paris Olympics sa France.

Mahigit 10,000 atleta at opisyales ang masisilayan sa opening rites na lalarga sa alas-7:30 ng gabi (ala-1:30 ng madaling araw sa Maynila).

Ito ang unang pagka­kataon na idaraos ang opening ceremony ng Olympic Games sa labas ng isang Olympic stadium dahil gaganapin ito sa pamosong Seine River.

Aabangan ng samba­yanan ang pagmartsa ng Team Philippines na pa­ngungunahan nina Tokyo Olympics silver medalists Nesthy Petecio at Carlo Paalam na magsisilbing flagbearers ng delegasyon.

Susuotin ng mga atleta at opisyales ang magandang barong na idinisenyo ng kilalang designer na si Francis Libiran.

Tinawag itong ‘Sinag’ na may disenyo ng bandila ng Pilipinas.

“Every element of the design showcases the rich cultural heritage of the Philippines,” ayon sa post ni Libiran sa kanyang social media.

Kasama sa parada sina Aira Villegas at Hergie Bacyadan ng boxing, Lauren Hoffman at John Cabang Tolentino ng athletics, Kayla Sanchez at Jarrod Hatch ng swimming, Aleah Finnegan ng gymnastics at Samantha Catantan ng fencing.

Ilang miyembro ng Team Philippines ang hindi makakasama sa parada kabilang na sina Eumir Felix Marcial ng boxing, Carlos Yulo ng gymnastics at Joanie Delgaco ng rowing.

Magpapahinga sina Marcial, Yulo at Delgaco dahil sasabak na agad ang mga ito sa unang araw ng kumpetisyon sa Hulyo 27.

Wala rin sa opening ceremony si EJ Obiena ng pole vault gayundin sina Vanessa Sarno, John Febuar Ceniza at Erleen Ann Ando ng weightlifting.

Ang iba pang miyembro ng Team Philippines ay sina Emma Malabuyo at Levi Ruivivar ng gymnastics, Bianca Pagdangan at Dottie Ardina ng golf, at Kiyomi Watanabe ng judo.

Aabangan din ang makukulay na fireworks sa huling bahagi ng palabas at ang pagbubukas ng Olympic flame na magsisilbing hudyat ng opisyal na pagsisimula ng palaro. 

vuukle comment

PARIS OLYMPICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with