^

PM Sports

Yulo target ang unang medalya ng Pinas sa Paris

Chris Co - Pang-masa
Yulo target ang unang medalya ng Pinas sa Paris
Yulo

MANILA, Philippines — Target ni gymnast Carlos Yulo ang unang medalya ng Team Philippines sa 2024 Paris Olympics.

Masisilayan sa aksyon si Yulo sa men’s individual all-around sa Hulyo 27 na magsisilbing qualifying round para sa tsansang makapasok sa final round.

Gaganapin naman ang final round ng men’s all-around sa Hulyo 31.

Target ni Yulo na makapasok sa Top 3 sa men’s all-around.

Pakay din ni Yulo na makahirit ng tiket sa finals ng men’s floor exercise at men’s vault kung saan ito may pinakamalakas na tsansang makasungkit ng gintong medalya.

May prediksiyon pa ang ilang international group na masusungkit ni Yulo ang gintong medalya sa floor exercise habang pilak naman ang maiuuwi nito sa vault.

Mapapalaban si Yulo sa floor exercise dahil nariyan pa rin si Artem Dolgopyat ng Israel na siyang nakasikwat ng gintong medalya noong Tokyo Olympics.

Magiging tinik din sa daanan ni Yulo si Luke Whitehouse ng Great B­ritain kasama pa ang ilang pambato ng Japan at China na palaban din sa gintong medalya.

Gayunpaman, handang handa si Yulo na sumabak sa pagkakataong ito kum­para noong Tokyo Olympics.

“This time I can definitely say that I’m healthier mentally and emotionally. I’m more confident to perform better execution,” ani Yulo.

Bantay-sarado rin ang diet ni Yulo para masigurong nasa perkpektong kundisyon ito.

Hindi lamang sa pisikal na aspeto dahil tinututukan din ng team ni Yulo ang mental na usapin.

vuukle comment

CARLOS YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with