^

PM Sports

Pacquiao Top Asian Athlete of the Century

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Pacquiao Top Asian Athlete of the Century
Si Manny Pacquiao sa kanyang training para sa nalalapit na exhibition match kontra Japanese muay-thai.
MP promotions

MANILA, Philippines — Tinanghal na pinakamagaling na Asian athlete ng 21st century si “Pambansang Kamao” Manny Pacquiao ayon sa listahan ng ESPN.

Nagningning si Pacquiao noong 2000s, 2010s at 2010s tungo sa pag-akyat bilang natatanging boxer sa buong mundo na nagwagi ng kampeonato sa 8 magkakaibang division.

Kinilala rin si Pacquiao bilang Fighter of the Year ng Ring Magazine at ESPY ng limang beses habang pinara­ngalan bilang BWAA Fighter of the Decade noong 2000s.

Sa kabuuan, tatlong dekada ang tinagal ng karera ng 25-anyos na si Pacquiao, na retirado na sa professional boxing ngayon hawak ang pambihirang kartada na 68 wins, 8 losses at 2 draws

Swak din sa listahan si weightlifter Hidilyn Diaz at PBA legend June Mar Fajardo sa ika-19 at ika-25 puwesto, ayon sa pagkakasunod.

Si Diaz ang kauna-unahang Olympic gold medalist ng bansa matapos ang 97 na taon matapos ang tagumpay niya sa Tokyo Summer Games habang si Fajardo ang may pinakamaraming parangal sa Philippine basketball.

Bitbit ni Fajardo ang 10 PBA championships, 4 na Finals MVP awards, 7 Most Valuable Player plums at 10 Best Player of the Conference honors sahog pa ang pagiging isa sa pinakamatagal na Gilas Pilipinas player.

Samantala, sumunod sa listahan ng ESPN si Yao Ming (basketball) ng China, Ichiro Suzuki (baseball) ng Japan, Son Heung Min (football) ng South Korea at Naomi Osaka (tennis) ng Japan.

vuukle comment

MANNY PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with