Antetokounmpo flag bearer ng Greece sa Paris

GREECE — Nakamit ng Greece ang huling biya­he patungo sa 2024 Paris Olympics men’s basketball.

Ito rin ang unang Olympics appearance ni Mil­waukee Bucks star forward Giannis Anteto­kounmpo.

Iginiya ni Anteto­kounmpo ang Greece sa paghahari sa nakaraang FIBA Olympic Qualifying Tournament na idinaos sa Piraeus, Greece.

Hinirang ang two-time NBA MVP bilang flag bea­rer ng Greece kasama si Antigoni Drisbioti.

Gumawa rin ng kasaysayan si Antetokounmpo bilang unang black athlete na magdadala ng watawat ng Greece sa parada sa Olympics opener.

Kasama ng Greece sa Group A ang Australia, Canada at Spain.

Samantala, ipaparada ng Canada sa Paris Games sina Oklahoma Ci­ty Thunder superstar Shai Gilgeous-Alexander at Denver Nuggets champion guard Jamal Murray.

Nasa lineup din sina NBA players Dil­lon Brooks, Kelly Oly­nyk, Lu Dort, Nic­keil Alexander-Walker, RJ Barrett, Dwight Powell at Melvin Ejim.

Tinalo ng Team USA ang Canada sa tune-up.

Show comments