Merry draft day
Ayaw pang ibulalas ni Converge coach Aldin Ayo ang kanilang choice bilang top selection sa PBA Season 49 Rookie Draft sa Linggo.
“It will be difficult because it will make you think. There are players in the pool that… you can have as a foundation or cornerstone of the program,” ani Ayo sa sideline ng PBA Draft Combine.
Pero kumbinsido ang marami na matagal nang buo ang desisyon ng Converge.
Nang manatili sa kangkungan ang FiberXers sa Season 48 at sinundan ng application ni Justine Baltazar sa draft pool, paniwala ng halos lahat na selyado na ang top draft selection.
Pormalidad na lang na iaanunsyo sa draft exercise na ang 6-foot-7 frontcourt player mula La Salle ang No. 1 overall pick at kasunod ang masayang photo-op sa entablado.
Kung No. 1 pick si Baltazar, malamang naman na si Fil-Am guard Sedrick Barefield ang No. 2 pick na kukunin ng Blackwater.
At darating na ang excitement sa mga susunod na picks.
No. 3 ang Terrafirma at susunod ang Phoenix, NorthPort at NLEX.
Back-to-back ang Rain or Shine mula No. 6 at susunod ang Magnolia, Barangay Ginebra, reigning Philippine Cup kingpin Meralco at Commissioner’s Cup ruler San Miguel Beer.
Sa second round, una ang ROS followed by NorthPort, Terrafirma, ROS, Ginebra, NLEX, Converge, ROS, Converge, Ginebra, Meralco at Converge.
Mukhang masaya ang draft day.
- Latest