^

PM Sports

Policarpio pasikat sa PBA mini-tournament

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lalong tumaas ang draft stock ni De La Salle University standout Jonnel Policarpio matapos sikwa­tin ang Most Valuable Player (MVP) honor sa mi­ni-tournament ng PBA Rookie Draft Combine.

Trinangkuhan ni Policarpio ang Team B1 sa 61-44 panalo kontra sa Team A3 ng torneo na siyang nagsilbing final event sa dalawang araw na Draft Combine kung saan sinukat ang kakayahan ng lahat ng rookie prospects.

Kumamada ng 14 points si Policarpio na inaasahang makapasok sa first round ng kargadong rookie class sa mismong PBA Rookie Draft bukas sa Glorrieta Activity Center sa Makati City.

Umalalay sa kanya sina Kurt Reyson ng Letran College at Agem Miranda ng Jose Rizal University na may 18 at 17 markers, ayon sa pagkakasunod.

Dahil dito ay bumande­ra din si Policarpio sa Mythical Team ng Draft Combine kasama sina Reyson, Jordan Bartlett, Brandon Ramirez at Justine Baltazar.

“Bonus lang ito. Nagtulung-tulong lang kami ng mga teammates ko,” sabi ni Policarpio na natulu­ngan ang La Salle Green Archers sa pagkopo sa UAAP Season 86 championship.

Nag-uwi ng P10,000 bo­nus si Policarpio, habang tig-P5,000 ang natanggap ng mga Mythical Team members.

Bumida naman para sa A3 si Abdul Sawat na may 19 points.

Kabuuang 70 aplikante ang nagnanais mapasali sa PBA Rookie Draft subalit sasalain pa ito ayon sa gi­na­nap na Draft Combine bago ang mismong pilian.

Ang Converge ang may hawak ng No. 1 pick kasunod ang Blackwater, Terrafirma, Phoenix, NorthPort, NLEX, Rain or Shine, Magnolia, Ginebra, Meralco at San Miguel.

Tanging TNT lang ang walang first round pick dahil naipamigay na sa mga nakalipas na trades.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with