^

PM Sports

Nonoy umeksena sa Draft Combine

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagningning si Mark Nonoy ng La Salle sa skill test ng PBA Draft Combine kung saan sinusukat ang kalibre ng lahat ng apli­kante bago ang mismong PBA Rookie Draft sa Linggo sa Glorrieta Makati.

Ang 5-foot-9 na si No­noy ang naging pinakamabilis na draft prospect sa Combine nang takbuhin ang 3/4 sprint test sa oras lang na 2.862 segundo.

Si Nonoy, tubong La Carlota sa Negros Occidental, din ang may pinakamataas na vertical jump sa 53 inches ayon sa mga ilang pagsubok ng PBA sa ginanap na combine sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Dahil dito ay inaasahang tataas ang draft stock ng pambatong guard, na sini­mulan ang karera sa UST bago mag-kampeon sa La Salle sa UAAP Season 86, bagama’t projected na siyang maging 1st round pick.

Nagpasiklab din ang dating PBA 3x3 player na si Brandon Ramirez na siyang nanguna sa reaction test sa oras na 358 milliseconds.

Hindi rin nagpahuli si Mike Malonzo ng National U na siyang bumida sa lane agility test bitbit ang 11.49 segundong oras habang si DJ Mitchell ng La Salle ang bumandera sa standing vertical jump sa 43 inches.

Kabuuang 70 ang aplikanteng rookies ng PBA Draft at 62 ang nakadalo sa draft combine sa pangu­nguna ng projected No.1 pick na si Justine Baltazar ng Pampanga Giant Lanterns na siya ring pinakamatangkad sa draft class sa taas na 6-foot-6  5/7 inches.

Kasunod niya si Kai Ballungay ng Ateneo na nasukat sa 6-foot-6 2/5 inches habang si Ronan Mendoza Santos ang may pinakamalaking wingspan sa 81.5 na sentimetro.

Bida rin sa combine ang iba pang top prospects na sina CJ Cansino ng UP, Jonnel Policarpio ng La Salle, Jerom Lastimosa ng Adamson, RJ Abarrientos ng FEU at Japan, Dave Ildefonso ng Korea at Ateneo pati na si Fil-American ace Caelan Tiongson.

Hindi nakadalo ang iba pang prized prospects na sina Sedrick Barefield, Evan Nelle at Ben Phillips ng La Salle subalit inaasahan sila sa mismong draft.

Converge, Blackwater, Terrafirma, Phoenix, NorthPort, NLEX, Rain or Shine, Magnolia, Ginebra, Merlaco at San Miguel ang nakatokang pumili sa draft, ayon sa pagkakasunod.

 

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with