^

PM Sports

Paraase umukit ng unang gold sa Palaro

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagparamdam agad ang host region matapos angkinin ni Asia Paraase ang unang gintong medalya sa 2024 Palarong Pambansa na ginaganap sa Cebu City Sports Center sa Cebu City.

Nagrehistro ang Pajo National High School runner ng 10 minuto at 27.36 segundo para makuha ang ginto sa secondary girls 3,000-meter run.

Nagsilbing inspirasyon ng 17-anyos na si Paraase ang kanyang ina na dati nang nangarap na masila­yan ito sa aksyon sa Palaro.

“Si mama yung nag-influence sa akin (para tumakbo). Nagsimula ako sa runing since Grade 6 ako,” ani Paraase na mula sa Lapu-Lapu.

Pumangalawa lamang si Chrishia Tajarros ng Eastern Visayas na may naitalang 10 minuto at 39.72 segundo kasunod sa ikatlo si Mary Jane Paga­yon ng Davao Region na may 10 minuto at 52.72 segundo.

Bago magsimula ang karera, aminado si Paraase na magiging matindi ang labang kanyang haharapin lalo pa’t gold medalist sa 2023 Batang Pinoy si Tajarros.

Subalit nagbunga ang pagsisikap nito sa training at angkinin ang ginto.

Nagparamdam din ng lakas si Jyane Kurt Canton ng Central Luzon matapos magtala ng bagong Pala­rong Pambansa record sa long jump elementary boys.

Lumundag si Canton ng impresibong 6.14m para makuha ang gintong medalya kasabay ng pagwasak sa dating marka sa long jump na 6.04m na naitala ni Jeremie Tamles ng Davao Region noong 2002 edisyon ng Palaro sa Naga.

Tinalo ni Canton si Khrispher Kyle Ngirngir ng Western Visayas na may 5.63m para sa pilak gayundin si Ace Francis Bacongallo ng Central Visayas na nagkasya sa tanso sa nakuha nitong 5.59m. 

vuukle comment

PALARONG PAMBANSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with