KO win hangad ni Magsayo kay Ramirez

Mark Magsayo.
Instagram

MANILA, Philippines —  Ang knockout win ang pakay ni dating world champion Mark Magsayo sa oras na makaharap nito si Me­xican fighter Eduar­do Ramirez sa kanilang su­per featherweight bout nga­­yong araw sa MGM Grand sa Las Vegas, Ne­va­da.

Target ng PInoy champion na makuha ang pa­nalo upang makalapit sa ina­asam na world title fight laban kay reigning World Boxing Association king Lamont Roach.

Lamang si Magsayo sa rankings dahil nasa ikaa­nim na puwesto ito sa super featherweight division kumpara kay Ramirez na wala sa Top 10 list.

Hindi dapat magpa­kampante si Magsayo dahil pakay nitong makuh anag knockout win upang mapaganda ang kaniyang 25-2 (17 KO) record.

Show comments