Matatag ng kumpiyansa
Mahaba pa ang itatakbo ng PBA Philippine Cup Finals at marami ang puwedeng mangyari.
Pero may inukit ng bagay ang Meralco Bolts sa mata at isipan ng mga manonood – ang malaking paglago ng kanilang kumpiyansa sa laban.
Totoong meron silang lineup improvement at malaking bagay ang karagdagan ni frontcourt defender at rim protector Brandon Bates.
Maaaring karagdagan iyon sa pagpapalago ng kumpiyansa ng Meralco – bagay na numero uno nilang alas sa matibay na pakikipagbakbakan sa titleholder San Miguel Beermen.
Tatlong laro na silang matatag na nakikipagbuno kina June Mar Fajardo at teammates, at tangan ang 2-1 series lead papasok sa Game Four sa Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.
Hindi sila kinakakitaan ng pagkamangha, pagkatakot o intimidasyon kontra sa higanteng kalaban.
Laban lang ng laban.
At kung hindi pa nga naitapon ang four-point lead sa closing seconds sa Game Two, nakabaon dapat sa 0-3 hole ngayon ang mga Beermen.
Pero walang duda, nanatiling anybody’s game ang series. Ang kumurap ay siyang talo.
Siguradong no retreat, no surrender na ang Bolts, at paduguan ang
laban hanggang sa kahulihan.
- Latest