Matinik si Bolick

MVP numbers ang tangan ni NLEX Hotshot Robert Bolick sa pagtatapos ng PBA Philippine Cup elimination round.

Tumataginting na 27.4 points per game ang kanyang tikada kasama ang solido rin na averages na 7.0 assists at 5.6 rebounds.

Runaway leader si Bolick sa scoring kasunod ang halos pare-parehong numero nina Juami Tiongson (21.8), Calvin Oftana (21.45), CJ Perez (21.27), Arvin Tolentino (21.25), Alec Stockton (21.18) at Stephen Holt (21.0).

Tournament pacesetter din si Bolick sa assists.

Wala sa Magic 10 sa scoring si perennial MVP at BPC candidate June Mar Fajardo, pero numero uno siya sa rebounding.

Sina Fajardo (17.2 points at 14.09 rebounds) at Christian Standhardinger (19.91 at 11.18) ang natatanging mga players na kumakamada ng double-double numbers.

Pero ang scoring average ni Bolick ang talagang nakakamangha.

Dikit ito sa league all-time best na 27.9 ni Ricardo Brown noong 1985.

Noong 1984, humataw naman si Ramon Fernandez ng 27.8, samantalang 29.0 ang kay Chip Engelland ng noon eh guest team na Northern Cement Consolidated.

Ang tingin ko, malaki ang tsansa ng NLEX na umusad sa semifinals. At ito ang magpapatibay ng posisyon ni Bolick sa BPC race.

Kung botohan na ngayon para sa individual awards, kay Bolick ang boto ko.

Show comments