Lady Knights inakay ni Martin sa No. 2 spot

MANILA, Philippines — Swak sa No. 2 spot ang Letran Lady Knights matapos silang akayin ni Yen Martin sa 25-20, 25-27, 20-25, 25-12, 15-9 panalo kontra sa San Sebastian College Lady Stags sa huling araw ng elimination round ng NCAA Season 99 women’s volleyball tournament na nilaro sa FilOil EcoOil Centre kahapon.

Tumikada ang  Best Pla­yer of the Game na si Martin ng 11 points lahat ay ga­ling sa attacks kasama ang apat na excellent digs at tatlong excellent receptions upang tulu­ngan ang Intramuros-based squad na ilista ang 7-2 karta at siguruhin ang No. 2 seed sa pagtatapos ng elims.

Nasungkit ng defen­ding champions College of Saint Benilde Lady Bla­zers, (9-0) ang Top see­ding, pangatlo ang Lyceum of the Philippines Lady Pirates, (6-3) at nasa No. 4 ang Arellano University Lady Chiefs, (6-3).

Stepladder ang bakbakan sa semis dahil diretso na sa Finals ang Lady Blazers matapos nilang walisin ang nine-game elims round.

Kaya naman magpapaluan sa unang stepladder match ang Lady Pirates at Lady Chiefs at ang mananalo ay kakalabanin naman ang Lady Knights sa second round ng stepladder.

 Tinapos naman ng Lady Stags ang kanilang kampanya na may 2-7 karta.

Show comments