Belen, NU ‘di papayag na masibak sila ng FEU

MANILA, Philippines — Nakatakdang itodo ni Bella Belen ang buong lakas para sa last year’s runner up National University sa pagharap nila sa makukulit na Far Eastern University sa do-or-die semifinals ng 86th UAAP 2023-24 women’s volleyball tournament na lalaruin sa Araneta Coliseum nga­yong araw.

Nabulaga ang Lady Bulldogs sa nakaraang laban nila ng Lady Tamaraws, 23-25, 17-25, 23-25 matapos silang mawalis sa tatlong sets, pero hindi pa sila laglag dahil may tangan silang twice-to-beat incentive.

Kaya naman parehong magpapakita ng tikas ang dalawang koponan dahil wala ng bukas pagkatapos ng kanilang paluan ng bola.

Tiyak na si former Rookie-MVP, Belen ang pangunahing armas ng Lady Bulldogs upang ipantapat sa mga tiga­sing spikers ng FEU na nakabawi na ng bahagya matapos silang yumuko ng dalawang beses sa elimination round laban sa NU.

Samantala, pasok na sa Finals ang University of Santo Tomas Golden Tigresses matapos nilang patalsikin ang defending champions De La Salle University Lady Spikers.

Show comments