^

PM Sports

Daily Burn bida sa karerahan

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasilayan ng mga karerista ang husay ng Daily Burn sa karerahan matapos sungkitin ang panalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.

Kumaripas sa largahan ang King Tiger, Daily Burn at Eye In The Sky upang magtagisan ng bilis sa unahan hanggang sa kalagitnaan ng karera.

Makalipas ng ilang metro ay ang King Tiger at Daily Burn na lang ang nagbabakbakan sa unahan habang nasa terserong malapit ang Eye In The Sky.

Pagliko ng far turn ay hawak ng King Tiger ang bandera habang nakakapit ang Daily Burn na sinak­yan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate.

Papalapit ng home stretch ay mainit na ang bakbakan ng King Tiger at Daily Burn sa unahan at pagsungaw ng rektanahan ay bahagyang umungos ang huli.

Pagsapit sa huling 150 ng karera ay malinaw na ang pagkuha ng Daily Burn ng unahan at nakalamang na ito ng dalawang kabayo sa nauupos ng King Tiger.

Tinuka ng Daily Burn ang meta ng may limang kabayo ang agwat sa pumangalawang Ridgers, tersero ang Eye In The Sky.

vuukle comment

PHILRACOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with