^

PM Sports

Magnolia sa quarters

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nangusan ng Magnolia sa end game ang Terra­firma, 108-100, upang ma­kasiguro ng tiket sa 2024 PBA Philippine Cup quarterfinals kahapon sa Philsports Arena sa Pasig.

Maagang umalawag sa 15 puntos na kalamangan ang Hotshots bago pigilan ang ragasa ng Dyip sa du­lo tungo sa 6-4 kartada para sundan sa playoffs ang mga kapatid na San Miguel (10-0) at Barangay Ginebra (7-3).

Wala ng pag-asa sa Top 2 ang Magnolia dahil sa kabiguan kontra sa Ginebra at sa NLEX (5-4) na nasa unahan nito pero nakasikwat ng krusyal na tagumpay upang makaiwas sa ‘twice-to-win’ disadvantage kung sakali.

Naputol din ng Hotshots ang two-game losing skid nito papasok sa huling duwelo kontra sa TNT.

Nagsanib-puwersa sina Ian Sangalang at Mark Barroca sa pag-iskor ng 23 at 21 points, ayon sa pag­kakasunod.

Tampok dito ang krusyal na lay-up ni Sangalang para sa 101-98 ka­lamangan sa huling da­lawang minuto bago pumukol ng limang sunod na puntos si Barroca para selyohan ang tagumpay.

Nag-ambag din ng 17 points, 5 rebounds at 7 assists si Paul Lee, habang walang kupas ang kapitang si Rafi Reavis, edad 46-anyos, sa paghakot ng 10 points at 13 rebounds.

Nahabol ang unang bentahe ng Hotshots suba­lit naibalik ito sa 68-53 abante sa third quarter ba­go rumatsada ang Dyip at makalapit sa 98-99 ma­tapos ang tres ni rookie Stephen Holt sa dalawang minuto.

Kumamada ng career-high na 32 points si Holt sahog pa ang 4 rebounds at 8 assists para sa Terrafirma.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with