Ika-10 panalo itinagay ng SMB

Hinablot ni Rodney Brondial ng SMB ang rebound kontra sa mga Blackwater players.

MANILA, Philippines — Niregaluhan ng San Miguel Beer ang legen­dary player nitong si Ar­wind Santos ng matamis na jersey retirement ceremony matapos ang 124-109 panalo kontra sa Blackwater sa 2024 PBA Philippine Cup kahapon sa Philsports Arena sa Pasig.

Niretiro ng Beermen ang pamosong No. 29 jersey ni Santos sa halftime na nagsilbing inspirasyon sa kanila para sa matikas na second half tungo sa ika-10 na sunod na tagumpay.

Sigurado na noong nakaraang laro pa lang sa No. 1 ang SMB at twice-to-beat advantage pero hindi pa rin prumeno at sa proseso ay nilaglag sa kontensyon ang Blackwater sa 3-7 kartada.

Anim na players ang sumiguro sa masayang jersey retirement ni Santos sa panguguna ng kanyang mga dating teammates.

Bida dito si CJ Perez, Best Player of the Confe­rence ng Commissioner’s Cup, tampok ang 26 puntos, 5 rebounds at 5 assists.

Humakot din ng 21 puntos at 16 rebounds si 7-time PBA MVP June Mar Fajardo, na matagal nakasama ni Santos sa frontline ng Beermen habang may 25 markers din si Don Trollano.

Nauwi sa wala ang tig-15 puntos nina James Kwekuteye, Troy Rosario at Jaydee Tungcab para sa Bossing na sumabay pa sa Beermen hanggang first half bago tumiklop.

Pero pinakamaning­ning pa rin sa laro si Santos, sa likod ng career ave­rages na 13. 2 puntos, 8.2 rebounds at 1.3 blocks, na nagwagi ng 9 na kampeo­nato para sa SMB sahog pa ang 2 Finals MVP, 2 Best Player of the Conference awards at Season MVP noong 2014.

Show comments