^

PM Sports

Lyceum makikisalo sa liderato

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sisikapin ni Johna Denise Dolorito at ng Lyceum of the Philippines Lady Pirates na manatiling malinis ang kanilang karta upang sumalo sa tuktok ng team standings sa NCAA Season 99 women’s volleyball tournament.

Hawak ang 6-0 card, kakalabanin ng Intramuros-based squad ang kalugar nilang Letran Lady Knights ngayong araw sa Filoil EcoOil Centre.

Magsisimula ang ka­nilang bakbakan sa alas-10 ng umaga sunod ang banatan sa pagitan ng San Sebastian College Lady Stags at Emilio Aguinaldo College Lady Generals sa alas-2 ng hapon.

Bukod sa pangunahing sandata ng Lady Pirates, huhugutan nila ng lakas sina Hiromi Osada, Joan Doguna, Janeth Tulang at Vanessa Yvonne Martin para makuha ang inaasam na panalo at samahan sa unahan ang defending champions College of Saint Benilde Lady Blazers na hawak ang 7-0 record.

Humanga ang mga fans sa ipinakitang laro ng LPU nang patahimikin nila sa tatlong sets ang Jose Rizal University Lady Bombers, 25-21, 25-9, 25-22, halos walang kahirap-hirap nila itong ginapi.

Nagtala noon si Dolorito ng game-high 16 points kasama ang 14 attacks at dalawang service aces habang 14 ang kinana ni Osada.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with