Petro Gazz puntirya ang top spot sa semis

MANILA, Philippines — Tatapusin ng anim na koponan ang elimination round ng 2024 Premier Volleyball League All-Fili­pino Conference ngayon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Magtutuos ang semifinalist Petro Gazz at talsik nang Nxled sa alas-4 ng ha­pon matapos ang upakan ng Cignal HD at Capital1 Solar Energy sa alas-2 ng hapon.

Sa alas-6 ng gabi ay mag­haharap ang Akari at Strong Group Athletics.

Kasama ng Gazz Angels sa Final Four ang Choco Mucho Flying Titans, Chery Tiggo Crossovers at nagdedepensang Creamline Cool Smashers.

May parehong 9-3 record ang Choco Mucho at Chery Tiggo kasunod ang Petro Gazz (8-2) at Creamline (8-3).

Makukuha ng Gazz Angels ang No. 1 seed sa se­mifinals kung tatalunin ang Chame­leons para sa kanilang 28 points.

Nasa four-game winning streak ang Petro Gazz kasama ang 25-7, 25-21, 25-17 panalo sa Galeries Tower sa huling laro.

Umiskor naman ang Nxled ng 25-13, 25-23, 25-22 panalo sa Capital1.

Show comments