Chery Tiggo nalusutan ang Galeries

MANILA, Philippines — Dumiretso ang Chery Tiggo sa paghataw ng pang-pitong sunod na pa­nalo para pormal na magmartsa sa Final Four ng 2024 Premier Volleyball League All-Filipino Conference.

Tinakasan ng Crossovers ang talsik nang Ga­leries Tower Highrisers, 26-24, 23-25, 19-25, 25-12,  15-9, kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Itiniklop ng Chery Tiggo ang elimination round sa 9-2 record kagaya ng Choco Mucho, habang may 3-8 marka ang Galeries.

Ang Flying Titans, Petro Gazz Angels, nagdedepensang Creamline Cool Smashers at Crossovers ang bubuo sa Final Four.

Humampas si Eya Laure ng 20 points mula sa 15 attacks at limang blocks, habang may 13 markers si Ara Galang.

Matapos ilusot ng Che­ry Tiggo ang 26-24 panalo sa first set ay inagaw ng Galeries ang 2-1 bentahe mula sa pananaig sa second at third frame.

Nagawanag makatabla ng Crossovers sa fourth set para makahirit ng fifth frame kung saan nila iniwanan ang Highrisers sa 10-5.

Umiskor si France Ronquillo ng 15 points para sa Highrisers.

Show comments