Lyceum pinirata ang EAC

MANILA, Philippines — Nagtulungan sa opensa sina Joan Doguna at Janeth Tulang upang akbayan ang Lyceum of the Phi­lippines sa 16-25, 25-18, 25-19, 25-12 panalo kontra Emilio Aguinaldo College sa NCAA Season 99 wo­men’s volleyball na nilaro sa Filoil EcoOil Arena kahapon.

Nilista nina Doguna at Tulang ang 14 at 13 points, ayon sa pagkakasunod upang ilista ang malinis na limang panalo para sa Lady Pirates.

Sumadsad ang Intramuros-based squad sa u­nang set pero hindi nawala ang bangis ng Lady Pirates kaya sinagasaan nila ang tatlong natitirang frames upang masilo ang panalo.

Samantala, muling nasolo ng defending champions College of Saint Benilde Lady Blazers ang tuktok ng team standings matapos nilang pagulungin ang Arellano University Lady Chiefs, 25-16, 25-20, 25-14.

Malinis sa anim na pa­nalo ang Taft-based squad kung saan nirehistro nila ang 35 sunod na panalo kasama ang mga laro sa nakaraang seasons.

 

Show comments