Perpetual, Mapua palalakasin ang kapit sa No. 4 spot

MANILA, Philippines — Pakay ng Mapua University Lady Cardinals na kumapit sa No. 4 spot sa team standings sa pakiki­pag­tipan nila sa Jose Rizal University Lady Bom­bers sa NCAA Season 99 women’s volleyball na lalaruin sa Filoil EcoOil Arena ngayong araw.

Magsisimula ang paluan sa alas-2 ng hapon pagkatapos ng bakbakan sa pagitan ng San Beda University at Perpetual Help na magsisimula ng alas-10 ng umaga.

Tangan ang 2-2 karta, kasalo ng Mapua sa No. 5 spot ang Perpetual Help at kung sakaling manalo ay aakyat sila sa pang-apat na kinauupuan ng Arellano University Lady Chiefs na may 3-2 record.

Tiyak naman na hindi basta magpapadaig ang Kalentong-based squad dahil kailangan nila ng panalo upang makaahon at mapaganda ang karta.

Hawak ng Lady Bom­bers ang 1-3 card at nasa pang seventh sila kasama ang Lady Red Spikers.

Tulad ng Mapua Lady Cardinals, nais din ng Lady Altas na makasampa sa No. 4 upang mapalakas ang asam na final four.

Sasandalan ng Lady Altas sina reigning MVP Mary Rhose Dapol, Chaila Allaine Omipon, Camille Bustamante at Razel Paula Aldea.

Show comments