^

PM Sports

Converge kumunekta ng panalo sa Meralco

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Converge kumunekta ng panalo sa Meralco
Ang isa sa pitong triples na isinalpak ni Bryan Santos ng Converge kontra sa Meralco.
PBA Image

MANILA, Philippines — Nakaisa na sa wakas ang Converge matapos silatin ang Meralco, 104-99, sa 2024 PBA Philippine Cup kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig.

Limang players ang nagtulung-tulong para akayin sa tagumpay ang FiberXers sa pangunguna ng 22 puntos at 5 rebounds ng rookie na si Bryan Santos tampok ang panlamang na tres sa huling tatlong minuto.

Bagama’t laglag na sa kontensyon, nakaangat sa 1-8 ang Converge at nawakasan ang kabuuang 12-game losing skid nito simula pa noong Commissioner’s Cup.

Na-foul out sa simula ng fourth quarter ang ace player na si Alec Stockton subalit nakapag-ambag pa rin ng 20 puntos, 4 rebounds, 2 assists, 1 steal at 1 tapal.

Solido rin ang kontribusyon na 18, 14 at 10 puntos nina Justin Arana, Schonny Winston at JL Delos Santos para sa mga bataan ni coach Aldin Ayo.

Tampok sa pamamayani ng mga bagitong players ang dalawang krusyal na freethrows ni Winston para sa 102-99 abante bago ang pambaong basket ni Delos Santos sa huling 12 segundo.

Naghahabol pa sa hanggang 11 puntos ang FiberXers sa halftime, 53-41, bago bumalikwas at baliktarin ang Bolts upang makatabla sa 77-77 papasok sa fourth quarter, kung saan trumangko si Santos sa kanilang pag-alagwa.

Napurnada ang 25 puntos ni Chris Newsome pati na ang 20, 19 at 10 puntos nina Chris Banchero, A­aron Black at Cliff Hodge, ayon sa pagkakasunod, para sa Bolts na bumaba sa 3-5 kartada.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with