Win No. 2 target ng San Beda

MANILA, Philippines — Matapos ang 0-2 pani­mula ay target ng San Beda University ang ikalawang dikit na ratsada sa pagsagupa sa Arellano University sa NCAA Season 99 wo­men’s volleyball tournament sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Haharapin ng Lady Red Spikers ang Lady Chiefs ngayong alas-2 ng hapon matapos ang salpukan ng Letran Lady Knights at Jose Rizal Lady Bombers sa alas-10 ng umaga.

Inilista ng San Beda ang una nilang panalo matapos ang 25-17, 25-23, 22-25, 21-25, 15-10 pag-eskapo sa San Sebastian para sa 1-2 record.

Bumandera sa pagtakas ng Lady Red Spikers si rookie Angel Habacon na bumanat ng 25 points mula sa 20 attacks, tatlong aces at dalawang blocks.

Hangad naman ng Lady Chiefs na makaba­ngon mula sa 15-25, 25-22, 11-25, 25-27 talo sa Lady Pirates para sa kanilang 1-2 kartada.

Show comments