MANILA, Philippines — Idaraos ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities Basketball Championship sa Mayo 4 sa Ynares Center sa Pasig City.
Tinawag na 2nd John Yap Cup, ang torneo ay bukas sa lahat ng mga batang Pinoy, kabilang ang kasalukuyan at dating varsity players na itatampok sa dalawang kategorya – ang 25-under class at 19-under.
“Ikalawang taon na namin ito sa gabay at suporta ng aming mahal na kaibigan na si John Yap. We allow one import per team just to add excitement and test the competitive level of our young players,” ani NYBL founder at organizer Fernando ‘Butz’ Arimado sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ kahapon sa PSC Conference Room sa Rizal Memorial Sports Complex.
Ang bawat koponan ay pinapayagang magpasok ng isang expat o dayuhang estudyante bilang import.
Kasama ni Arimado sa forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat sina coach Arvin Dela Pena ng Pasig, Nawaf Rashid Mohammad para sa ECO Green Makati City at Quezon City 1st District squad representatives coach JR Matias at coach Vis Valencia.
Kabuuang 18 koponan ang kumpirmadong sasabak sa torneo kabilang ang Bataan, Olongapo City, Nueva Ecija, Marikina, Manila, Subic at Navotas.
“Ang ating pong league commissioner ay si Mr. Robert Dela Rosa at ang grupo naman ng NAMBRO ang ating mga opisyal sa technical.