Go Torraku-St. Clare buhay pa

MANILA, Philippines — Umiskor si Megan Galang ng 20 points tampok ang apat na three-point shots para igiya ang Go Torakku-St. Clare sa 118-84 paggupo sa CCI-Yengskivel sa 2024 PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ito ang unang panalo ng St. Clare sa apat na laro katabla ang CCI-Yengskivel sa fourth place para sa tsansa sa ‘twice-to-beat’ bonus sa quarterfinals.

Kumolekta si Babacar Nadong ng 16 points at 15 rebounds at may 14 at 11 markers sina Simone de Guzman at JM Estacio, ayon sa pagkakasunod.

Tumipa si Victor Ryan Nuarin ng 17 points sa panig ng CCI-Yengskivel kasunod ang tig-16 mar­kers nina Cerwin Laran at Charles dela Cruz.

Ang top two teams ang magbubulsa sa outright semifinal berths habang may win-once bonuses ang third at fourth-ranked teams sa quarterfinals laban sa bottom teams.

Show comments