Letran umeskapo sa Perpetual

Volleyball stock photo.
Unsplash

MANILA, Philippines — Hanep sa laro ang ipinakita ni rookie Gia Maquilang para angklahan nito ang Colegio de San Juan de Letran sa 25-21, 25-20, 30-28 panalo kontra sa University of Perpetual Help System DALTA sa NCAA Season 99 wo­men’s volleyball tournament na nilaro sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan kahapon ng umaga.

Nirehistro ni Maquilang ang 19 points kasama ang 16 attacks, dalawang service aces at isang block at 11 digs para tulungan ang Lady Knights na tuhugin ang pangalawang sunod na panalo at manatiling malinis ang karta.

Sa unang laro ng Intra­muros-based squad pinagpag nito ang Arellano University noong Miyerkules, kasalo ngayon nila sa tuktok ang defen­ding champions College of Saint Benilde at Lyceum of the Philippines.

Naka-ungos ang Perpetual, 23-21 sa third set, pero pumalo ng 4-1 run ang Lyceum upang maagaw ang abante, 24-25.

Pumalag pa rin ang Lady Altas, naitabla nila sa 28-all pero tumikada si Maquilang ng back-to-back points para selyuhan ang panalo ng Lady Chiefs.

Show comments