Laban ang Phoenix

Mami-miss na nila ang kanilang premyadong import na si Johnathan Williams III pero mataas pa rin ang expectation sa Phoenix Super LPG Fuel Masters sa 2024 PBA Philippine Cup.

Isa sila sa nakikitang contenders kontra sa mga koponan ng dalawang power blocs sa liga dahil sa kanilang magandang showing sa nakaraang Commissioner’s Cup.

Top Four sila sa elims at naabot ang semis bago dumapa laban sa Magnolia sa kanilang Final 4 tango.

Gigil ngayon si coach Jamike Jarin at ang kanyang tropa na manatiling palaban at higitan ang kanilang fourth-place finish sa Commissioner’s Cup sa likod ng eventual champion San Miguel Beer,  second placer Magnolia at third placer Barangay Ginebra.

Muli, wala na si Williams, ang itinanghal na Commissioner’s Best Import.

Ang challenge kina RJ Jazul at mga teammates eh, patunayang capable silang mag-contend sa all-Filipino tourney.

Kahit ang mga kalabang koponan eh, nakikitang mabigat kabangga ang Fuel Masters, mga batang laban lang ng laban at naglalarong walang tangan na pressure.

Iyan ang ipinakita nina Tyler Tio, Ricci Rivero, Larry Muyang, Jayjay Alejandro, Javee Mocon, Chris Lalata at Sean Manganti last conference.

Para sa leadership, nariyan sina Jazul, Jason Perkins, RR Garcia at Raul Soyud.

Unang test nila ang NorthPort sa March 8.

Show comments